MANILA PHILIPPINES – Tinawag na unconstitutional ni Manila Representative Joel Chua ang umanoy kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa kung paano tugunan ang tensyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ani ni Chua kung mayroon mang secret agreement ito ay illegal at unconstitutional.
Dagdag pa nito nilabag ng new model na alok ng china ang 1987 constitution kaugnay sa nagpapatuloy na pang hihimasok nito sa West Philippine Sea.
READ: BAGONG REGULATION NG CHINA SA WPS EMPTY THREAT – NSC
Nitong sabado sinabi ng Embassy of china to the Philippines na pumayag sa new model ang Armed Forces of the Philippines — Western Command (AFP WESCOM).
Ayon sa hndi pinangalanang spokesperson ng embahada pareho umanong nagkasundo ang ilang opisyales ng Department of National Defense (DND) at National Security Advisor sa naturang usapin.
Una na rin itinanggi ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na hndi nila alam ang anumang kasunduan na binabanggit ng china kaugnay sa usapin.