UMANO’Y PAGLABAG NG KAMARA SA PAGBASURA NG IMPEACHMENT COMPLAINT VS PBBM, MAAARING SILIPIN NG KORTE SUPREMA — REP. ERICE

Manila, Philippines – Kasunod ng pagbasura ng House Committee on Justice ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. iginiit ni Caloocan 2nd district Rep. Edgar Erice na maaaring silipin ng korte suprema ang umano’y paglabag ng kamara. 

Matatandaan na ang dalawang impeachment complaint ni pangulong marcos ay idineklarang insufficient in substance.

Ayon kay Rep. Erice, binoto niya bilang sufficient in substance ang reklamong impeachment dahil naniniwala siyang may bigat ang inihain ng Makabayan Bloc. 

Malinaw aniya na paglabag ito sa rules na nagdidikta sa recital of facts ng bawat alegasyon. 

Samantala, nakahain na rin sa kamara ang panibagong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. 

Nauna nang sinabi ni Batangas Representative Atty. Gerville Luistro, susundin ng House Committee on Justice ang prosesong ginamit sa impeachment complaint laban kay marcos sa impeachment complaint ni Duterte. 

Pahayag ni Erice sa kanyang pagsusuri sa reklamo laban kay Duterte, lumalabas na sufficient in form and substance ang mga ito. 

Sa kabila nito, nanindigan pa rin si Erice na walang kailangang baguhin sa rules ng komite, ngunit hiling niya na sundin ito base sa tungkulin ng mga mambabatas sa kamara.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this