UNDERBOARD NURSES, MAAARING SUMAILALIM SA CCA PROGRAM NG PSAC-HSG

MANILA, PHILIPPINES – Bubuksan muli ng Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group (PSAC-HSG) ang kanilang Clinical care associates program (CCAs) para sa mga underboard nurses bilang paghahanda ng mga ito sa 2025 board examination.

Sa naganap na pulong sa Malacañang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. natalakay ang ilang suliranin ngayon na kinahaharap sa kagawaran ng kalusugan.

Photo Courtesy: PCO

Kabilang na dyan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.

Kaya naman iniulat ng PSAC-HSG na muli silang tatanggap ng 2nd batch ng mga nurse na nais makibahagi sakanilang CCAs program.

Ang naturang programa ay naglalayong matulungan ang mga nakapagtapos ng nurse ngunit hindi nakapasa sakanilang board exam.

Sa ilalim nito tutulungan ng programa ang libo libong mga nurse na makapag-review para sa susunod nilang pagsusulit.

Ayon kay PSAC Healthcare Sector Lead Paolo Borromeo, katuwang nila ang Commission on Higher Education (CHED) sa naturang programa.

“Just happy to say Mr. President that we continue building momentum for what we call clinical care associates program. The CCA program as you might recall is our attempt to help the thousands of underboard nurses, people who have graduated from nursing degree, but for one reason or another, they did not pass the test during their time,” sabi i PSAC Healthcare Sector Lead Paolo Borromeo.

Hinihikayat din ng ahensya ang lahat ng mga pampubliko at pribadong sektor na tulungan silang hanapin ang mga underboard nurses upang makibahagi sa CCA.

Sa ngayon sabi ng pribadong sektor nasa 457 na ang unang batch ng mga nurse na nag enroll sakanila.

Kasalukuyan na rin silang nasa pangangalaga ng 7 higher education institution (HEIs) upang matutukan sa pag rereview.

Binigyang diin ng PSAC kay Pangulong Marcos na kapag naging matagumpay ang naturang programa, malaki ang maitutulong nito upang madagdagan pa ang mga nurse sa bansa.

Bukod sa CCA program naglunsad din ang grupo ng Enhanced Master’s in Nursing Program at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this