“UNDOUBTEDLY CHINESE”: PAGKA-ALKALDE NI ALICE GUO PINAWALANG-BISA NG MANILA RTC

Manila, Philippines – Pinawalang-bisa ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 34 ang pagka-alkalde ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo, ilang buwan matapos sibakin sa pwesto sa kasong grave misconduct.

Ang desisyon ay alinsunod ng pagpasa ng Manila RTC sa quo warranto na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG).

Ayon sa 67-page quo warranto na nilitis ni Judge Liwliwa Bidalgo-Bucud noong June 27, opisyal ng tinanggal ang bisa ng buong termino ni Guo at hindi na maaari pang tumakbo matapos mapatunayang wala itong lahing Pilipino.

Samantala, napag-alaman din na si Guo Hua Ping at Alice Leal Guo ay iisa lamang tao base sa lumabas na resulta ng fingerprint. Ang parehong magulang din ni Guo ay dugong Chinese.

Unang naging matunog ang pangalan ni Guo matapos na madawit sa kaso ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na siyang nagtulak upang makalkal ang isyu tungkol sa kanyang nasyonalidad matapos walang maipakita itong birth certificate.  — Jersey Salvaña, Contributor

Share this