UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO NA MAYROONG MEDICAL COURSES, TUMAAS – CHED

MANILA, PHILIPPINES – Iniulat ng Commission on Higher Education (CHED) na tumaas ang bilang ng State Universities and Colleges (SUCs) na nagaalok ng medical courses sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa sectoral meeting na pinangunahan ng Pangulo kasama ang Department of Health (DOH) sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera na maraming medical students ang magsisipagtapos.

Photo Courtesy: Presidential Communication Office (PCO)

Sa ngayon, nasa 21 Unibersidad sa bansa ang may kursong medikal.

Kaya naman nagpahayag ng positibong reaksyon ang DOH lalo na’t nangangailangan pa umano ang bansa ng nasa mahigit 190,000 Health workers.

“So, malaking improvement iyon from the previous eight in the past administration. And then, we are also increasing our output of skills through TESDA ,” saad ni Herbosa

Gayunpaman binigyang diin pa rin ng kalihim na tuloy tuloy ang ginagawa ng DOH para sa mga programang nagbibigay ng mga scholarship sa mga nais kumuha ng medical courses sa pamamagitan ng pribadong sektor.

“So, tuloy-tuloy na iyong programa na iyan because most of them have gotten scholarship through the private sector, iyong members ng PSAC, Private Sector Advisory Council for Health. And may mga nakapasa na actually.” dagdag pa ng kalihim.

Nilinaw naman ni Herbosa na bagamat may 190,000 health personnel ang kinakailangan ng DOH para sa mga bakanteng posisyon, ang pag-hire aniya sa mga health care associates at nursing student na hindi nakapasa sa board exam ay kinakailangan pa rin masusing pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this