Manila, Philippines – Ibinaba ng Estados Unidos sa 19% ang tariff sa mga produktong inaangkat mula sa Pilipinas, mula sa dating 20% na dapat sanang ipapataw simula Agosto 1, 2025.
Ang pagbaba ng buwis ay napagkasunduan sa bilateral meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at US President Donald Trump nitong Hulyo 23 (Manila time).
Gayunpaman, wala naman ipapataw ang Pilipinas sa US na tariff, kasabay ng pagiging Open Market ng Pilipinas para sa Amerika.
Sa Truth Social account ni Trump, binigyang-pugay nito si Marcos matapos ang kanilang pag-uusap, “He is also a very good, and tough, negatiator.”
Malapit na rin umano ang isang “big trade deal” sa pagitan ng dalawang bansa. Gayundin, ang isang kasunduan para sa militar na kooperasyon.