US, PH GAGAMIT NG SATELLITE UPANG I-MONITOR ANG WPS

Manila Philippines  — Pinag-aaralan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Estados Unidos ang paggamit ng satellite imagery, transponders at infrared upang mamonitor ang sitwasyon sa West Philippine Sea, kung naroroon ang mas pinalakas na pwersa ng mga barko ng China.

Sa isang joint statement na inilabas ng Pilipinas at ng US sa space dialogue, binuksan ang usapin sa paggamit ng satellite imagery beam mula sa outer space upang makita ang sitwasyon sa maritime domain at posibleng ilegal na aktibidad sa karagatang sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kabilang na rito ang pagmomonitor, pagdodokyumento ng mga barko sa loob sa EEZ ng Pilipinas, pagtitiyak ng kaligtasan ng mga mangingisda, pagprotekta sa marine environment at pagsugpo sa ilegal ng panghuhuli ng isda at mga lamang dagat.

“The delegations recognized the potential for expanded cooperation on the use of space for maritime domain awareness, including through the U.S. Department of Transportation-led SeaVision program,” saad sa joint statement ng Pilipinas at US sa space dialogue na ginanap sa Washington DC.

Magiging posible ang naturang panukala sa tulong ng SeaVision ng US Transportation Department, sa ilalim ng mas pinalawak na kooperasyon ng dalawang bansa.

“It represents an expansion of U.S.-Philippines cooperation into outer space, including the use of space-based Earth observation satellite data for a wide variety of socio-economic applications,” saad pa sa joint statement.

Unang tinalakay ang posibleng pagpapalawak ng maritime cooperation sa pamamagitan ng paggamit ng himpapawid sa kauna-unahang space dialogue sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni US President Joe Biden, noong May 2023.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) taong 2021 noong sinimulan ng US ang pagbibigay ng libreng access sa Naval Information Systems Center Pacific ang Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ang National Coast Watch Center.

One thought on “US, PH GAGAMIT NG SATELLITE UPANG I-MONITOR ANG WPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this