US PRESIDENT BIDEN, NAG POSITIBO SA COVID-19

United States – Naitalang positibo sa sakit na Covid 19 si US President Joe Biden matapos nito makaramdam ng mga mild symtoms kaugnay sa sakit habang nasa kanyang byahe papuntang Las Vegas.

Ayon sa post ng The White House, pansamantalang babalik sa Rehoboth, Delaware, US state si Biden upang i-isolate ang sarili.

Gayunpaman, sinuguro naman ng White House sa publiko na ganap na gagampanan pa rin ng presidente ang kanyang tungkulin sa bansa.

Samantala, ayon sa doktor ni biden, nangkaroon ito ng upper respiratory symtoms, na may non-productive cough at runny nose.

Sa patuloy na hindi magandang karamdaman ng presidente, nagdesisyon ang ahensya na mag pa check up ito at doon nag positibo sa sakit ang pangulo.

Share this