UTANG NG PAMAHALAAN, BUMABA NG ₱95B NOONG AGOSTO 2025 — BUREAU OF THE TREASURY

Bumaba ng ₱95.07 bilyon ang kabuuang utang ng pambansang pamahalaan sa pagtatapos ng Agosto 2025, ayon sa pinakahuling ulat ng Bureau of the Treasury (BTr).

Mula sa dating antas, naitala ang total national debt sa ₱17.7 trilyon, katumbas ng 0.5% na pagbaba.

Ayon sa BTr, pangunahing dahilan ng pagbaba ay ang pagbabayad ng pinakamalaking local bond sa kasalukuyang taon na umabot sa ₱516.34 bilyon, at ang pagkalakas ng piso kontra dolyar na nakaapekto sa halaga ng foreign debt.

Dagdag pa rito, tumaas ang bahagi ng domestic debt sa 69.2% ng kabuuang utang, mula sa 68.9% noong Hulyo.

Itinuturing itong positibong senyales dahil ang lokal na utang ay mas ligtas mula sa mga pagbabago sa foreign exchange rates. Samantala, bumaba rin ang guaranteed debt ng gobyerno sa ₱346.46 bilyon, mas mababa ng ₱6.51 bilyon kumpara sa nakaraang buwan.

Share this