PRICE WATCH: PETROLYO, MAY ROLLBACK

Manila, Philippines — Nagsimula na nitong Martes ang implementasyon ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sa ikalawang sunod na linggo ngayong buwan ng Marso, narito ang mga ipinatupad na paggalaw sa presyo ng petrolyo:

  • Gasolina — P1.70 / liter
  • Diesel — P0.90 / liter
  • Kerosene — P1.80 / liter

Iniuugnay ng Department of Energy (DOE) ang ikalawang sunod na linggo ng pagbaba ng presyo ng petrolyo ay ang mas mataas na produksyon at oil inventory sa Estados Unidos.

Nakaapekto rin ang paglakas ng piso kontra dolyar sa paggalaw na ito sa presyo ng petrolyo.

Sa kabila ng magkasunod na pagbaba na ito, nilinaw ng DOE na wala pang kasiguraduhan kung magpapatuloy ang downtrend na ito, lalo pa at maraming salik ang maaaring makaapekto rito.

Share this