VALENZUELA LGU, MAGBIBIGAY NG P1,500 CASH INCENTIVES

Valenzuela City – Mahigit 16,200 na kandidato para sa mga magsisipagtapos mula sa Valenzuela public schools ang nakatakdang makatanggap ng P1,500 cash incentive mula sa pamahalaang lungsod.

Inanunsyo ng local government units sa kanilang Facebook page na ang pera ay ibibigay sa bawat magtatapos na mag-aaral upang makatulong sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral. Ang cash incentive ay ipapamahagi mula Mayo 15 hanggang 27.

Nasa kabuuan na 16,252 elementary at senior high school students mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng Valenzuela ang inaasahang magsisipagtapos ngayong pasukan.

“Ito ang kabuuan ng ipapamahaging educational incentive ng Lungsod #Valenzuela para sa 16,252 graduating Elementary at Senior High School students mula sa mga pampublikong paaralan, mula Mayo 15 hanggang 27, 2024 bilang tulong sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral.” sinasaad sa kanilang facebookpage post.

Samantala, ang mga honor students sa elementarya at senior high school ay makakatanggap ng karagdagang insentibo batay sa kanilang standing.

Ayon sa pamahalaan ng Valenzuela City na dagdag na P1,500 ang ibibigay sa Top 1 students, P1,000 sa Top 2 students, at P500 sa Top 3 hanggang 5 students.

Ang pagbibigay ng karagdagang insentibo umano ay hindi lamang nagbibigay ng motibasyon sa mga honor students na patuloy na pagbutihin ang kanilang pag-aaral, kundi nagpapakita rin ng pagpapahalaga ng pamahalaan sa kanilang mga kontribusyon sa larangan ng edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this