Taytay Rizal – Pinarangalan ng Gawad Pilipino Awards bilang isa sa mga natatanging Pilipina sa larangan ng serbisyo publiko ang Taytay Rizal Vice Mayor Sophia Priscilla Cabral, dahil sa mga programa nito sa kanyang komunidad at pagpaprayoridad sa mga hinaing at problema ng kanyang nasasakupan.
Mismong si Gawad Pilipino Founding Chairman Dr. Danilo Mangahas ang personal na nag-abot ng parangal sa bise alkalde.
Ayon kay Cabral ang kanyang parangal na natanggap ay inaalay nya sa mga taga Taytayeños na malaki ang tiwala sakanyang panunugkulan.
“Sa mga kababayan kong Taytayeños na kung hindi po dahil sa pagtitiwala po ninyo sa inyong lingkod syempre wala yung award na ito.” sabi ni Cabral sa isang panayam.
“Actually ever since yung pagiging public service, yung posisyon hindi tumatatak sa utak ko kase laging public service lagi yung nasa una nating priority and everything will follow kapag ka nasa maganda naman yung ating ginagawa.” dagdag pa ng bise alkalde.
Sa ngayon isa sa mga programa na ipinaprayoridad ng bise alkalde ng Taytay Rizal ang pagsasaayos ng Sports Complex na kaniyang isinulong na maipatayo noong konsehal pa lamang ito.
Bukod pa dyan ang araw araw nyang pagbisita sakanyang mga kababayan lalo na ang pamimigay ng mga laruan sa mga bata, at patuloy ‘pamanok’ (pamamahagi ng manok) sa bayan na isa sakanyang mga programa.