Alaminos, Pangasinan – Natimbog ng mga awtoridad ang isang videooke bar sa Pangasinan na nagaalok umano ng ‘extra service’ sa mga customer nito.
Base sa naging imbestigasyon ng National Bureau of Investigation Alaminos District Office, una silang nakatanggap ng impormasyon ukol sa mga nagtatrabahong Guest Relations Officers o GROs sa isang videoke bar.
Agad na inaksyunan ito ng kapulisan upang kumpirmahin kung totoo nga bang nagaalok ng extra service ang mga ito sa customers ng bar.
Ayon sa mga awtoridad, ibinibugaw ang mga babae sa halagang dalawang libong piso.
Batay pa sa report, na inaalok rin ng mga nambubugaw na pedeng ilabas ang mga babae o kaya naman ay dalhin sa isang kubo sa may likuran lamang ng mismong videoke bar.
Nailigtas naman ng kapulisan ang siyam na kababaihan, kung saan apat dito ay mga menor de edad.
Naaresto naman ang mag asawang mari ng naturang videoke bar at ang manager nito sa operasyon.
Mahaharap sa mga kasong paglabag ang mga suspek sa Anti-trafficking in persons act of 2003.