Manila Philippines — Mas pinaigting na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang regulasyon sa visa policies para sa mga Chinese nationals na nag-aapply ng temporary visitor’s visa sa bansa.
Sa isang abiso sinabi ng DFA, kabilang umano sa mga hinihingi ng ahensya para sa bagong aplikante ang Social Insurance Record Certificate ng mga Chinese.
“The Department of Foreign Affairs (DFA) informs the public that Chinese nationals applying for 9(a) Temporary Visitor’s Visa at Philippine Foreign Service Posts will be required to submit their Chinese Social Insurance Record Certificates,” ayon sa abiso ng DFA.
Kinakailangan ding nakarehistro sa loob n g hindi bababa sa anim na buwan bago isumite ang mga requirements.
BASAHIN: DFA BEGINS ADJUSTING VISA ISSUANCE POLICIES FOR CHINESE VISITORS
Hindi nama kabilang sa mga hahanapan ng nasabing Social Insurance requirements ang mga kasalukuyan nang naka-enroll sa pimary, sekondarya o sa kolehiyo, pero kinakailangan nilang magsumite ng patunay na sila ay naka-enroll o retirees na lagpas 55-taong gulang.
“Exceptions to the abovementioned visa requirement will only apply to Chinese nationals currently enrolled in primary, secondary, or college education who will be required to submit proof of enrollment, and retirees above 55 years old,” dagdag pa ng DFA.
Bahagi lamang ng pagpapatuloy ng DFA sa kanilang visa police at regulasyon ang mga hininging dokumento para matiyak ligtas at mabisa ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.
Ika-28 ng Mayo noong ipinatupad ng DFA ang karagdagang dokumento sa lahat ng mga Chinese Nationals na mag-rerequest ng visa sa embahada ng Pilipinas.
Bunsod ng napaulat na pekeng dokumento ng mga Chinese nationals na kasalukuyang nasa bansa.
Kabilang ang mga Chinese nationals sa mga napaulat na sangkot sa krimen na human trafficking, prostitution, kidnapping at fraud sa bansa.