VOTER REGISTRATION, MULING BINUKSAN NG COMELEC PARA SA BSKE 2025

Manila, Philippines – Muling binuksan ng Commission on Election (Comelec) ang sampung araw na voting registration para sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Election. 

Ayon sa Comelec, maaaring magparehistro ang mga Pilipino mula Lunes hanggang Linggo, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng gabi. 

Maaari rin magparehistro ang mga Pilipino mula sa Metro Manila sa pamamagitan ng Register Anywhere ng Comelec. 

Subalit, paalala ng Comelec na hindi maaaring magtransfer sa presinto sa pagbubukas ng voter registration. 

Ngunit, ilan sa mga maaaring iproseso ng Comelec ang pagpapalit ng pangalan at civil status, correction of entries, reactivation of registrations, inclusion of registration, at reinstating of name sa listahan ng mga botante. 

Samantala, hindi pa nagdedesisyon ang Pangulo kaugnay sa planong pagpapaliban ng botohan para sa mga BSKE sa December. 

Wala rin mga pahiwatig mula sa Malacañang na ibe-veto ang panukalang ipagpaliban ang BSKE 2025 sa December 1, 2025.

Narito ang link para sa guidelines: https://www.facebook.com/share/p/1FAQyfBgBA/Krizza Lopez, Eurotv News

Share this