VP DUTERTE, SINAGOT ANG PAGTAWAG SA KANIYA NI USEC. CASTRO BILANG ‘COMPLETE FAILURE’ NA KALIHIM NG DEPED

Manila, Philippines – Wala dapat aniyang magalit. 

Ito ang naging sagot ni Vice President Sara Duterte nang sabihan siya ni Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro na ‘complete failure’ bilang kalihim ng Department of Education. 

Kaugnay ito ng kritisismo ng bise presidente na napag-iiwanan na ang Pilipinas sa usaping pang edukasyon.

Pahayag ni Sara, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang pagiging total failure niya bilang dating kalihim ng Deped. 

Giit niya, iba ang naging pagtanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang ibigay niya ang resignation niya noong June 19, 2024, dahil sinubukan pa siyang pigilan na magresign at bigyan ng maraming konsiderasyon. 

Batay sa kwento ni Vice President Duterte, mayroong pagpupulong noon sa Malacañang tungkol sa pagbubukas ng klase. 

Pagkatapos ng pagpupulong, humingi siya ng oras sa Pangulo, kung saan nag-usap ang dalawang opisyal sa isang opisina sa loob ng taunang aralan. 

Nang ibinigay na niya ang resignation, nagtaka pa raw ang Pangulo sa kaniyang pagbibitiw sa posisyon, at tinanong pa siya kung mayroon siyang gustong posisyon. 

Dagdag pa nito, hindi umano siya ang total failure kundi si Pangulong Bongbong Marcos na umano’y amoy alak nang balikan nito ang araw ng kanyang pagsusumite ng resignation letter bilang kalihim.

Aniya, dito niya nakumpirma ang desisyon niya na mag resign sa posisyon.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this