Mahigit dalawang linggo na ang lumipas magmula nang bumalik si Vice President Sara Duterte sa Pilipinas matapos ang halos isang buwang pananatili sa The Hague para sa amang nakaditene roon.
Sa katapusan ng Mayo, nakatakda naman syang bumalik sa The hague, para naman sa kanyang kaarawan.
Sa isang pahayag sinabi ni VP Sara na sa The Hague nya ipagdiriwang ang kanyang ika-47 na kaarawan sa ika-31 ng Mayo.
Aniya, ito ay ipinangako nya na sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, upang makasama rin ang kanyang ina na si Elizabeth Zimmerman na mabisita si Duterte.
Matatandaan na noong Marso, inaresto si Duterte dahil sa kaso sa ICC at mula noon ay nakaditene na sa The Hague.
Makaraang maaresto, si VP Sara ang nanguna sa pag-aasikaso sa kanyang akso at nagsilbing next of kin ng preisdente hapang nasa kustodiya ng ICC.
Habang nasa Pilipinas si VP Sara, nagpapalitan naman ang kanyang mga kapatid upang tumayong next of kin ng kanilang ama.