VP SARA DUTERTE, INANUNSYO NA ANG PAGTAKBO BILANG PANGULO NG PILIPINAS SA 2028

Manila, Philippines – Dalawang taon pa bago ang 2028 Presidential Election, ngunit ngayong araw ibinalita ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pagtakbo nilang pangulo ng Pilipinas sa 2028. 

Unang humingi si Vice President Duterte sa publiko ng patawad dahil sa kaniyang di umano’y pagtulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalal ng bilang pangulo ng Pilipinas. 

Iginiit niya na hindi nagiging tapat si Pangulong Marcos Jr. sa kaniyang mga pangako noong kampanya.

Nabanggit niya ang mga pahayag ang umano’y katiwalian sa 2025 National Budget, dahilan para umalis siya bilang miyembro ng gabinete.

Ito rin aniya ang pagsusulong na mapatalsik siya sa kaniyang pwesto.

Inihingi rin niya ng tawad ang ilan sa mga problemang bigo ang administrasyong Marcos na tugunan. 

Kasama na ang patuloy na pagbaha sa Pilipinas, pagtaas ng presyo pagkain, seguridad sa pagkain, mahinang Sistema pangkalusuga, at paglaganap aniya ng  krimen, illegal na droga, at terorismo.  

MAAGANG DEKLARASYON NI DUTERTE, TINAWAG NG PROGRESIBONG GRUPO BILANG MAPANIRA AT DESPERADONG HAKBANG

Kasunod ng deklarasyon ni Duterte ng kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa 2028 National Election, tinawag ng Koalisyong Makabayan sa kamara bilang mapanira at desperadong hakbang para kontrolin ang naratibo sa politika at palabasin na siya ang biktima. 

Iniiwas din umano nito ang kanyang sarili sa pananagutan laban sa korapsyon, maling paggamit ng confidential funds, at pagtatraydor sa tiwala ng publiko. 

“The Makabayan bloc hits Vice President Sara Duterte’s announcement that she will run for president in 2028 as a cynical and desperate attempt to control the narrative, portray herself as a victim of political persecution, and shield herself from accountability for serious allegations of corruption, misuse of confidential funds, and betrayal of public trust.”

Giit ng tatlong opisyal mula sa progresibong grupo, ang premature declaration ng bise ng kaniyang kandidasiya sa 2028 ay hindi umano para sa paglilingkod sa mga Piipino. 

Ito umano ay pagkakahon sa impeachment complaint bilang panghaharass sa kaniyang politika. 

“Vice President Duterte’s premature declaration—more than two years before the 2028 elections—is not about serving the Filipino people. It is about framing the impeachment proceedings as purely political harassment rather than what they truly are: a constitutional process to hold an impeachable official accountable for grave offenses.”

Noong February 2, inihain na sa Kamara ang panibagong impeachment complaint laban kay Duterte. 

At February 6 ng ibalita ni House Secretary General Cheloy Garafil na nailipat na sa opisina ni House Speaker Bojie Dy ang mga reklamo. 

Bukod kay Vice President Sara Duterte, ilang mga politiko at opisyal ng gobyerno ang nagpahiwatig na kanilang posibleng pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas. 

Isa na riyan sina Senator Risa Hontiveros at DILG Secretary Jonvic Remulla.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this