Humiling si Vice President Sara Duterte sa National Burueau of Investigation (NBI) na i-reschedule ang kanyang pagharap bukas sa ahensya.
Ito ay dahil na rin umano sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa House of Representative sa Committee on Good Government and Public Accountability.
Sabi ni VP Sara, natanggap na nila ang subpoena ng NBI kung saan pinasasagot siya sa usapin ng grave assault at violation sa ilalim ng anti-terrorist law.
Samantala inihayag naman ng Department of Justice na walang basehan para italagang terorista ang VP sa gitna ng kanyang ‘kill order’ laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Andres, hindi naman daw i-dinesignate ang ikalawang pangulo bilang terorista.