Manila, Philippines – Handa ang progresibong grupo na muling ihain ang impeachment complain laban kay Vice President Sara Duterte.
Pinaghahandaan na rin ng mga abogado ng bise presidente ang panibagong impeachment na isasampa laban sa kanya.
Ayon sa bise presidente, noong December pa nila napag-usapan ng kanyang abogado ang paghahanda sa muling paghahain ng impeachment laban sa kanya.
Giit pa niya na hindi lang ngayong taon ng kanilang pinaghahandaan kundi maging sa mga susunod pang taon.
Nakatitiyak umano ang bise presidente na maaaring ihain ang impeachment complaint ng progresibong grupo hanggang sa huling taon ng kanyang termino.
Nitong January 29, nagdesisyon na ang korte suprema na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Duterte noong 2025.
Ayon sa korte, nilabag ng reklamo ang one-year bar rule at hindi nasunod ang proseso.
Ipinaliwanag din ng korte ang kautusan sa paghahain ng impeachment laban sa isang opisyal.
Pagbabahagi ni Duterte, hindi niya sinabi kay Former President Rodrigo Duterte na nakakulong sa The Hague ang naging pagkakadismismed ng kanyang kaso.
Nagpasalamat naman ang bise sa kanyang mga abogado na nagtulong-tulong para kwestyunin reklamong nakasampa laban sa kanya.—Krizza Lopez, Eurotv News