VP SARA, NAGHAIN NG PETISYON SA KORTE SUPREMA PARA PATIGILIN ANG KANYANG IMPEACHMENT PROCEEDINGS

Humiling si Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema upang ipatigil ang impeachment proceedings laban sa kanya.

Sa kanyang petition for certiorari and prohibition na ipinahatid sa Korte Suprema, hiniling ng bise presidente ang pag-isyu ng temporary restraining order at writ of injunction para ihinto ang pagdinig ng House Justice Committee sa kanya.

Ang kanyang pinaglalaban, labag umano sa Konstitusyon ang proseso ng House Justice Committee at dapat itong ideklarang walang bisa.

Isa sa mga binigyang-diin sa petisyon ang pagsasagawa ng komite ng tila mini-trial.

Taliwas sa pagasagawa nito, ang Senado lamang daw kasi ang may mandato sa paglilitis ng impeachment cases.

Matatandaan na kabilang sa mga grounds laban sa bise ang umano’y maling paggamit nito ng confidential funds at pagbabanta niya sa mga opisyal ng bansa.

Samantala, inaasahang magpapatuloy ang proceedings ng justice committee sa susunod na linggo, April 14.

Wala pang sagot ang Korte Suprema hanggang sa mga oras na ito.

Share this