Manila, Philippines – Pinaghihinalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nasa bansang Cambodia na ang Most Wanted gaming tycoon na si Charlie ‘Atong’ Ang.
Batay sa impormasyong ibinahagi ni Interior Secretary Jonvic Remulla, may natanggap silang impormasyon na nasa Cambodia na si Atong dahil nagtayo umano ito ng online sabong sa Cambodia ngunit ito ay raw information pa lamang.
Ayon sa kalihim, kung mabeberipika ang impormasyon na nasa Cambodia na ang gaming tycoon, maaaring hilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Cambodia na arestuhin si Atong Ang.
Katulad ng ginawang proseso para maibalik si dating congressman Arnie Teves sa Pilipinas mula sa Timor-Leste.
Sa kabila nito, nanindigan si Remulla na nasa loob pa rin ng Pilipinas si Atong Ang.
Dagdag niya na tinatrabaho na ng mga otoridad ang pagkansela sa pasaporte ni Atong Ang para mapigilan itong makalabas ng bansa.
Kasunod ng pagpapatong ng sampung milyong pabuya para sa makapagsasabi ng lokasyon ni Atong Ang, ilang mga tip na ang natanggap ng ahensya.
Dahilan ng walong operasyons sa paghahanap kay Atong, ngunit lahat ng ito negative sa presensya ng businessman.
Si Atong Ang na lamang ang natitirang akusado na hindi pa nahuhuli ng otoridad, kasunod ng pag-aresto sa iba pang kapwa-akusado.—Krizza Lopez, Eurotv News