Very good development.
Ito ang sinabi ni Senator Risa Hontiveros nang malaman na may inilabas ng arrest warrant kay Michael Maurillo o alyas Rene.
Ayon kay Hontiveros, malugod niyang tinatanggap ang arrest warrant ng Pasay City Regional Trial Court laban kay Rene sa kanyang reklamong criminal case dahil sa pagsisinungaling nito.
Si Rene ang nagsabi ng alegasyon na sinuhulan umano siya ni Sen. Risa Hontiveros upang tumestigo sa imbestigasyon laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.
Mensahe naman ni Hontiveros kay Rene, magsilbi sana ang development na ito upang tuluyan siyang makipagkoopera sa imbestigasyon at ituro na ang “bigger fish” kaugnay ng isyu.
Buo rin daw ang pananalig ng Senadora na ang mga katotohanan ay lalabas at patuloy niyang hahanapin ang hustisya.
Matatandaan na si Senadora Hontiveros ang nanguna sa imbestigasyon laban kay Quiboloy dahil sa mga alegasyon ng human trafficking, rape, sexual abuse and violence.