ZALDY CO, INUTUSAN UMANO NG ADMINISTRASYON NA MAG-INSERT NG PHP100-B PROJECTS SA BICAM 

Manila, Philippines – Kasabay ng muling pagbubukas ng senado sa imbestigasyon nito kaugnay sa korapsyon sa mga Flood Control projects

Nagsalita na rin si resigned AKO Bicol Partylist Representative Zaldy Co ng kanyang mga nalalaman sa insertion sa 2025 General Appropriation Act. 

Batay sa video statement ni Zaldy Co at maging sa mga pinost nitong listahan ng insertions, iginiit niya na inutusan siya ng administrasyong Marcos na magsingit ng PHP 100 billion na proyekto sa bicameral committee.

Isiniwalat ni Zaldy Co na nakatanggap siya ng tawag mula kay Budget Secretary Amenah Pangandaman noong 2024 Bicameral na nagbaba umano ng utos si President Ferdinand Marcos Jr. na mag-insert ng php 100 billion pesos sa para sa 2025 General Appropriation Act. 

Kinumpirma pa umano ni Zaldy Co ang sinabi ni Pangandaman kay Undersecretary Adrian Bersamin. 

Pinatunayan naman ni Usec. Bersamin na iniutos ito ng pangulo. 

Nasundan umano ng pagpupulong sa Malacañang, kung saan kasama sina Romualdez, Pangandaman, Bersamin, at Usec. Jojo Cadiz. 

Dito na aniya iniabot ni Bersamin ang listahan ng 100 billion pesos worth of projects na ipinasisingit sa kaniya ng pangulo sa Bicam. 

Sinubukan pa raw ni Zaldy Co na kung maaaring 50 billion pesos lamang ang isingit sa programmed funds bicam sa dahilan magiging sobra-sobra na ang pondo ng DPWH kaysa sa Deped. 

At ang 50 billion ay ilagay sa unprogrammed funds.

Noong pabalik na sa bansa si Co mula kanyang pag-alis noong July 19, 2025 para sa kaniyang pagpapagamot, nakatanggap umano siya ng tawag mula kay former house speaker martin Romualdez na huwag nang bumalik pa sa Pilipinas. 

Paliwanag ni Co, sumunod siya sa inutos ni Romualdez sa pag-aakalang tunay siyang poprotektahan ng Administrasyon.

Hanggang sa ginawa siyang panakip butas na umano para mapagtakpan ang korapsyon. 

Sa pagdinig Senate blue ribbon committee ngayong November 14, hindi dumalo si Co para imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.

Naghain ng conditional motion si Senator Sherwin Gatchalian na ipa-subpoena si Zaldy Co dahil sa pagliban. 

Iyan ay kung mayroon pang susunod na pagdinig ang Blue Ribbon. 

Dagdag pa ni Gatchalian, ivavalidate niya ang mga binitawang paratang ni Zaldy Co kaugnay sa insertions na iniutos ni Marcos. 

Hindi nakadalo si Co dahil sa kanyang lagay ng kanyang kalusugan. 

Ngunit nang suriin ni Gatchalian ang medical records na ipinasa ni Co, lahat aniya ito ay paso

Giit niya hindi katanggap tanggap ang excuse letter ni Co.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this