Manila Philippines — Bumisita sa bansa si Ukrainian President Volodymyr Zelensky, kasunod ng imbetasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nagkasundo sina Pangulong Marcos at Zelensky na pagtitibayin pa ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Ukraine na naitatag 32-taon na ang nakalilipas.
Nagpahayag din si Zelensky na plano nilang magbukas ng embahada sa Pilipinas ngayong taon.
“I am also very happy that this year we will open embassy in Manila,” sabi ni Zelensky kasabay ng pulong kay Pangulong Marcos sa Malacañang Palace.
Nagpasalamat si Zelensky kay Marcos dahil sa hindi matatawarang suporta nito sa Ukraine sa gitna ng issueng kinahaharap ng mga bansa Europa.
READ: MARCOS’ ADMIN’S ‘SPECIAL BODY’ FOR HUMAN RIGHTS GETS DIFFERENT REACTIONS
Itinuturing naman ni Marcos na magandang balita ang pagbubukas ng Embahada ng Ukraine sa Manila, at sinabing nakahanda ang kanyang administrasyon na tumulong sa plano ni Zelensky.
“That’s certainly very good news because we would very much like to continue to help, in any way, that the Philippines can through the multilateral and United Nations and even through other agencies such as the EU, such as the UN,” sabi ng Pangulo.
Nagkasundo ang Pilipinas at ang Ukraine na itataguyod ang kapayapaan at labanan anumang sighalot sa paraang pulitika sa pagitan ng dalawang bansa.
Gayundin ang pangako ni Marcos na pagtalima sa mga international rules-based order tungo sa kapayapaan.
Naitatag ang relasyon ng Pilipinas at Ukraine noong April 7, 1992.