Manila, Philippines – Higit P448B ganito kalaki ang pondo ng Department of Health (DOH) na kasama sa General Appropriation Act (GAA) para ngayong taon na kelan lang ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kabuuan ng budget na ito, P1B ang inilaan para Universal Healthcare fund para sa zero balance billing ng DOH sa mga Local Government Unit (LGU) hospitals na sakop ang inpatient services sa basic accommodation.
Gagamitin ang nasabing para simulant ng suportahan ng ahensya ang mga malalaking ospital na pinatatakbo ng mga lokal na pamahalaan.
Sa kabila nito, nilinaw ng DOH na dadaan pa rin sa eligibility criteria, reporting requirements, at compliance obligations ang mga ospital para maging kabilang sila sa mga pagamutan na aalalayan ng ahensya para sa pagpapatupad ng zero billing.
Babantayan din ng mga ito ang pangangasiwa ng programa sa bawat ospital upang matiyak na tuloy tuloy ang implementasyon nito at lahat ng mga pasyente ay maseserbisyuhan ng government-subsidized hospital care.
Direkta naman na ipapasok ang pondo ng Zero Billing sa mga LGU Hospital.
Mahigpit namang nagpaalala ang DOH sa publiko na hindi nangangailangan o walang guarantee letter mula sa mga pulitiko na hihingin ang mga ospital sa mga pasyenteng tatanggap ng zero billing.
Samantala, sa naging seremonya naman ng pagpirma sa 2026 GAA, matatandaang binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng malaking pondo sa healthcare sector para mas mabilis na ma-access ng mga Pilipino ang abot kayang gamutan kabilang na ang Universal Healthcare.
Ang P448B na pondo rin daw sa health sector ngayong 2026 ay pinakamalaki rin daw na inilaan sa kasaysayan Pilipinas.
Samantala matatandaan na noong 2025 matapos ang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, nasimulan na rin ang ang pagpapatupad ng bayad na bill mo o zero balance billing sa unang 80 ospital sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Kung saan nasa higit isang milyong mga pasyente ang naserbisyuhan ng programa.