Manila, Philippines – Bunsod ng mga isyu kaugnay sa hazing sa loob ng mga academya at iba’t ibang organisasyon, iginiit ng isang heneral na walang lugar ang pagmamaltrato sa loob ng Philippine Military Academy.
Binigyang diin ni BGEN. Nelson Aluad ang tatlong bagay kaugnay sa Philippine Army.
Ito ang patuloy na paggalang ng kasunduluhan sa Karapatan pantao.
Aniya, malinaw na walang lugar ang hazing sa loob ng akademya.
Giit niya na ang pagkakaroon ng hazing at pangmamaltrato sa mga training ay hindi paraan para maturuan ng disiplina ang kasundaluhan.
Matapos ang pagkamatay ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitoryo noong September 2019 sa PMA Station Hospital sa Baguio City.
Mas pinaigting pa sa loob ng PMA ang pagbabantay sa mga kadete, sa pamamagitan ng mas mahigpit na control sa mga barracks.
Muling binigyan diin ng opisyal na pinakamahalaga ang pagbuo ng camaraderie para magkaroon ng matibay sa samahan, higit sa oras ng krisis sa Pilipinas.
Pahayag niya na may ibang paraan para masukat ang lalim ng samahan, at wala sa pamimilian ang paggamit ng karasahan.
Sa ilang initiation sa mga brotherhood organization, nangyayari ang hazing– na mahigpit nang pinagbabawal at kinokondea sa ilalim ng Anti-hazing law.
Ngunit bakit nangyayari ang mga karahasan sa initiation?
Batay sa Investment Model of Commitment, mas pinahalagahan natin ang mga bagay na pinaghirapan nating makamit.
At kung ilalagay natin ito sa konteksto ng mga pagsali sa brotherhood organization, nagiging espesyal umano ang pagsali sa isang grupo kung dumaan ito sa hirap.
Sa huli, malinaw ang paninindigan ng pamunuan ng PMA—ang tunay na disiplina at pagkakaisa ay naitataguyod sa respeto at malasakit, hindi sa karahasan.—Krizza Lopez, Eurotv News