Manila, Philippines – Tumambad sa mga tauhan ng Bureau of Customs o BOC ang nasa P114.5 milyong halaga ng hinihinalang droga na nakatago sa “malachite stones” mula Congo sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa report ng BOC nakadeklarang malachite stones ang shipment at dumaan ito sa x-ray kung saan kahina hinala.
Nang isailalim sa physical examination dito na nakita sa apat na boxes ang illegal na droga na tumitimbang ng mahigit sa labing anim na gramo.
Nai-turnover na ng mga awtoridad ang kontrabando sa PDEA, pati na rin ang mga indibidwal na dawit sa pag-aangkat.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Patuloy na pinapalakas ng BOC ang mga hakbang nito sa pagbabantay ng boarder control measures, at muling pinagtitibay ang komitment nito sa pangangalaga sa integridad ng mga boarders ng bansa at pagprotekta sa mamamayang Pilipino.