2.5M MGA PASAHERO MAKIKINABANG SA BAGONG PASILIDAD NG NAIA TERMINAL 3 NGAYONG HOLIDAY SEASON

Manila, Philippines – Inaasahan na ng NAIA TERMINAL 3 ang dagsa ng mga inbound at outbound travelers dito sa Pilipinas, lalo na ngayong holiday season.

Kaya naman positibo ang pamunuan na magiging malaking tulong sa mga pasahero nila ang mga bagong pasilidad ng NAIA na mismong pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Kabilang na sa mga ito ang deployment ng 78 biometric e-gates na layong padaliin sa loob lamang ng 20 segundo ang pagkumpleto ng immigration clearances upang maiwasan ang siksikan at pila sa mga paliparan lalo na tuwing peak travel hours.

Mas malaki na rin ang kayang i-accommodate ng dignitaries lounge na aabot ng 61 pasahero.

Sa naturang pagpapasinaya, binisita rin ng Pangulo ang Dignitaries Lounge, Mezzaine Hall, Arrival Immigration E-gates,  Transit Tour and Tourist Medical Concierge Pavilion, Tambayan/All-Filipino Food Hall at Mezzanine Food Hall na nag aalok ng mga Filipino cuisines.

Bukod sa mga ito mas pinagtibay rin ng NAIA ang seguridad sa buong Paliparan kung saan nagpakalat din sila ng 2300 trained screeners.

Ayon sa Pangulo, bahagi ito ng patuloy na inisyatiba ng administrasyong Marcos kasama ang NAIA Infra Corp.’s (NNIC) na mas gawing epektibo at modern ang buong Paliparan para sa kanilang mga pasahero.

Share this