Maguindanao del Sur – Daan-daang mga residente ng Barangay Meta ng Datu Unsay, Maguindanao Del Sur ang nagsilikas ng magkasagupaan ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa lugar.
Ayon sa Maguindanao del Sur Provincial Police Office, ang nangyaring putukan sa pagitan ng grupo ni Commander Panzo ng MILF 118th Base Command at Commander Tunga ng MILF 105th Base Command bunsod ng matagal na hidwaan nito sa organisasyon.
Base sa report na ang dalawang MILF commanders ay nagkaroon ng pag-uusap patungkol sa politika, kung saan umusbong ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Ilan naman sa naging pinsala ng banggan ng grupo ay ang pagkasunog ng ilang bahay bago nila lisanin ang bayan at makita ang mga papalapit na mga rumespondeng pulis at sundalo.
Ang mga residente naman na nawalan ng tirahan dahil sa insidente ay pansamantalang namamalagi sa covered court ng munisipyo at ang iba naman ay nakitira muna sa mga bahay ng kanilang kamag anak sa mga kalapit na barangay.