4 PATAY SA METHANE GAS POISONING SA NUEVA VIZCAYA

Nueva Vizcaya, Philippines – Patay ang apat na katao at isa naman ang naka ligtas matapos ang methane gas poisoning sa isang tunnel sa Sitio Sawmill sa Barangay Mabuslo Bambang Town sa Nueva Vizcaya.

Kinilala ng kapulisan ang mga biktima na sina Dionisio Alisen, 62 gulang, Jeremiah Padilla, 64 na taong gulang, Selvino Mendoza, 63 taong gulang at si Marlon Mateo Orden, 38 taong gulang na pawang nagmula sa Nueva Vizacaya.

Gumamit umano ang mga ito ng methane gas sa isang hinihinalang treasure hunt ngunit nabiktima ang mga ito dahil sa kakulangan sa oxygen.

Samantala, naka ligtas naman ang 32-gulang na si Marlon Siopon na nawalan rin ng malay matapos nitong balaking sagipin ang kanyang mga kasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this