7 CHINESE NATIONALS, ARESTADO DAHIL SA SCAMMING ACTIVITIES SA PARAÑAQUE

Parañaque City, Philippines – Sa pamumuno ni National Bureau of Inverstigation (NBI) Director Judge Jaime Santiago, naaresto ang pitong Chinese nationals at natimbog ang mga scamming activities nito, pati na rin ang pagsagip sa isang biktima ng human trafficking.

Nakatanggap ng impormasyon ang NBI Cybercrime Division mula sa isang complainant na dinetene umano ang kanyang kaibigan ng labag sa kalooban nito at pinipilit siyang magbigay ng serbisyo.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang CCD upang marescue ang nasbaing biktima sa Multinational Village, Moonwalk, Parañaque City.

Kasabay ng pagliligtas sa trafficking victims, nahuli ng mga awtoridad sa kaparehas na gusali ang pitong Chinese nationals na sangkot sa mga scamming activities.

Nakita sa kwarto ang iba’t ibang desktop computers na naglalaman ng mga messaging applications, bank accounts, cryptocurrency investment platforms, at iba pang kaugnay sa iligal at panlolokong aktibidad, kasama na rin ang cellphones, sim cards, at customer ledgers.

Nakumpirma naman ng mga awtoridad na ang mga suspek ay sangkot sa mga catfishing scams, credit card scams, cryptocurrency scams, at fake investment scams.

Mahaharap sa kasong mga paglabag ang pitong Chinese nationals sa RA 11862 o the Expanded Anti Trafficking in Persons Act of 2002, RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, RA 12010 o ang Anti Financial Account Scamming Act, at RA 10361 o mas kilala sa Domestic Workers Act.

Share this