MANILA PHILIPPINES – Pumasa sa may 2024 Philippine Nurse Licensure Exam ang nasa halos 7,749 na sumubok dito mula sa 11,116 na nag exam, ayon yan sa Professional Regulation Commission(PRC) nitong Martes.
Ayon sa resultang inilabas ng PRC, ginanap ang mga exams sa mga testing centers sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga and Puerto Princesa, at Palawan simula May 6 hanggang 7.
Pinangunahan ng examinee mula sa St. Jude college – Dasmariñas, Cavite na si Abigail Escueta Cayanan na may 92.6-% ang top notchers list, sinundan naman ito ni Jerico Cedric Garo Uy mula sa St. Paul University – Tuguegarao sa 2nd place na may 91.80% at si Mary Vhinne Anne Verzi Colandog mula sa Southern Luzon State University-Lucban at Zynarik Alzola Tabelisma mula sa Adventist University of the Philippines na parehong naka kuha ng 91.60.
Samantala, tatlong unibersidad naman ang nanguna para sa top performing
schools na may 100% passing rate.
Ang mga unibersidad na ito ay Cavite State University, Southern Luzon State University
– Lucban at University of Mindanao – Davao City.
Makikita rito ang listahan ng naka pasa:
Tingnan ang resulta: https://www.prc.gov.ph/article/may-2024-philippine-nurses-licensure-examination-results-released-four-4-working-days/7331