49 ELECTRIC COOPERATIVES, APEKTADO NG BAGYONG RAMIL

Manila, Philippines – Aabot na sa 49 electric cooperatives (ECs) mula sa 31 lalawigan sa buong bansa ang naapektuhan ng bagsik ng Bagyong Ramil, ayon sa ulat ng National Electrification Administration (NEA).

Batay sa tala ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), tatlo sa mga electric cooperatives ang nagpatupad ng partial interruption ng kuryente. Kabilang dito ang BENECO sa Benguet, CAPELCOsa Capiz, at QUEZELCO 1 sa Quezon Province.

Patuloy ang ginagawa ng NEA at ng mga apektadong electric cooperatives ang power restoration efforts para maibalik ang serbisyo sa 114,587 consumer connections na naapektuhan ng bagyo.

Nauna nang pinaalalahanan ng NEA ang lahat ng mga distribution utilities na magpatupad agad ng mga contingency measures upang mabawasan ang epekto ng bagyo sa kanilang serbisyo.

Share this