Yinanig ng malakas na magnitude 6.9 na lindol ang Russian peninsula na Kamchatka ngayong Biyernes ng hapon.
Ayon sa United States Geological Survey, naganap ang pagyaning dakong 3:35 PM local time.
Mayroon itong lalim na 135 kilometers.
Natagpuan naman ang epicenter nito sa layong 76 kilometers northeast ng Ozernovskiy, Russia.
Wala namang naitalang pagkamatay o pinsala sa nasabing lindol hanggang sa mga oras na ito.
Wala ring naitalang banta ng tsunami para sa Russia at mga kalapit na bansa, na ayon sa mga report ay dahil sa naitalang lalim nito.
(This is a developing story.)