BINI AT BGYO, NAG-UWI NG TATLONG PARANGAL SA BREAKTUDO AWARDS 2026 

Manila, Philippines — Muling pinatunayan ng P-Pop groups na BINI at BGYO ang husay at talento ng mga Pilipino sa international music scene matapos masungkit ang tatlong parangal sa katatapos lamang na BreakTudo Awards 2026 na naganap sa Brazil.

Isang panibagong tagumpay ito para sa dalawang grupo na patuloy na nagbibigay karangalan sa Pilipinas at nagpapalawak ng pagkilala sa musikang Pilipino sa buong mundo.

Kinilala ang BINI bilang International Female Group, habang pinarangalan naman ang BGYO bilang Asian Artist at nagwagi rin sa kategoryang International Anthem of the Year para sa kanilang kantang “Forever Tonight.”

Nagpasalamat naman ang dalawang grupo sa parangal na kanilang nataggap at sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanila.

Samantala, dagdag pa rito sa sunod-sunod na international achievements ng BINI, kung saan kabilang sila sa mga nominado sa Grammy Awards 2026 para sa Best Asian Pop Performance sa kanilang kantang “Unang Kilig.”

Napabilang naman ang pinakabagong single ng BGYO na pinamagatang “Candlelit” sa New Music Friday playlists ng Spotify sa siyam na markets, kabilang ang Hong Kong, Indonesia, South Korea, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Taiwan, Thailand at Vietnam.

Makakasama rin ang grupo sa Philippine Festival Tokyo 2026 na gaganapin sa November 28 sa Yoyogi Park, Shibuya, Tokyo, Japan.

Share this