PBBM, PINASINAYAAN ANG GROUNDBREAKING NG 2 BAGONG METRO MANILA SUBWAY STATIONS

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang groundbreaking at pagiinspeksyon ng dalawang underground station ng bagong Metro Manila Subway Project. 

Ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ang magiging unang subway system ng Pilipinas na may haba na 33.1 kilometer.

Inaasahang humigit-kumulang 500,000 na pasahero araw-araw ang kayang isakay nito at magkakaroon ng end-to-end hours na paglalakbay o 46 minutes. 

Ayon kay Pangulong Marcos, mas mabilis at mas kumportableng biyahe na ang mararanasan ng publiko kapag tapos na ang naturang proyekto.

Kilala bilang Contract Package (CP) 105, ang mga underground station, ang Kalayaan Avenue Station ay matatagpuan sa ilalim ng 11th Avenue at Uptown Open Parking, at ang BGC Station naman na matatagpuan sa kahabaan ng McKinley Parkway sa pagitan ng Serendra at Market palengke, ang parehong mga istasyon ay matatagpuan sa loob ng Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Gagamitin ng CP 105 ang Tunnel Boring Machine (TBM) para magtayo ng mga tunnel at gumamit ng Cut-and-Cover method para sa istasyon. 

Aabutin naman ng humigit-kumulang limang taon at pitong buwan ang pagsisimula ng konstruksyon ng  proyekto. 

Samantala mayroong itong 17 station, na tatakbo mula sa Valenzuela City hanggang Parañaque City na magtatapos sa Bicutan sa Taguig City, at mayroon naman itong koneksyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.  

Ang proyekto ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa ilalim ng isang loan agreement.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this