DISTRIBUSYON NG 10 KILO NG BIGAS SA LOOB NG ANIM NA BUWAN KADA TAON KASAMA SA PONDO NG LGSF 

Manila, Philippines – Aabot sa limang milyong Pilipino sa buong bansa ang makatatanggap ng 10 kilo ng bigas sa loob ng anim na buwan kada taon.

Ito ang binigayang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ceremonial handover ng mahigit  sa P57.8B na Local Government Support Fund (LGSF) na bahagi ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

Tinanggap ito ng League of Provinces of the Philippines (LPP), League of Cities of the Philippines (LCP) at League of Municipalities of the Philippines (LMP) na silang mangangasiwa sa LGSF katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa Pangulo 50% ng kabuuang pondo ng LGSF ay inilaan para sa Nationwide rice distribution program ng National Government at mga LGU.

Naglalayon daw ito na matulungan ang bawat pamilyang Pilipino na may maihahaing kanin sa kanilang hapagkainan na makakabawa sakanilang pang-araw araw na gastusin.

Bukod dito kasama rin sa LGSF ang pagpapagawa ng mas maraming mga pasilidad pangkalusugan, medical equipment at iba pang imprastraktura sa bawat LGU.

Kasama rin sa LGSF ang ilan pang mahahalagang programa at proyekto ng bawat probinsya, lungsod, munisipalidad at barangay.

Kung saan P11.3B para sa Growth Equity Fund, P8.9B para sa Support to the Barangay Development Program (SBDP-NTF-ELCAC) at P1B naman sa Support and Assistnace Fund to Participatory Budgeting.

Iikot rin daw ang pondo sa iba pang mga pangangailangan ng komunidad pagdating sa edukasyon at kabuhayan ng mga mamamayan.

Nainiwala naman si Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng LGSF sa ilalim ng mga lokal na pamahalaan, maipatupad ng maayos, progresibo at mas maunlad ang bawat programa sa bawat lokalidad na mapapakinabangan ng hindi nasasayang o nalulustay ang pera ng taumbayan sa pansariling interes ng sinuman.

Samantala sa kasaysayan ng Pilipinas, ang LGSF ngayong taon ang may pinakamalaking pondong inilaan sa mga LGU na layong suportahan at tulungan ang lahat probinsya, lungsod, munisipalidad at barangay para maipatupad ang mga programa sakanilang komunidad na nasasakupan.

Kasabay naman ng anganap na seremonya ang presentasyon ng Leagues of Manifesto of Support kay Pangulong Marcos para sa patuloy na pakikiisa ng mga ito sa administrasyon at matibay na ugnayan sa pagitan ng National Government at mga Local Government na may adhikaing ipatupad ang people-centered governance.

Share this