Bangkok, Thailand — Sa ginanap na ASEAN Labour Ministers Meeting sa Bangkok, nagpulong sina Labor Secretary Francis N. Tolentino at ASEAN Secretariat Deputy Secretary-General H.E. San Lwin upang talakayin ang mga hakbang para sa proteksyon at suporta sa mga manggagawa.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), aktibo ang koordinasyon sa pagitan n Pilipinas at ASEAN sa pagbuo ng mga konkretong programa para sa green at digital jobs, pagsasanay sa kasanayan, labor inspection, at proteksyon para sa mga manggagawa sa platform economy sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ILO Convention No. 193.
Pinagsisikapan din ng bansa ang pagtataguyod ng patas na recruitment, pagtugon sa pagkawala ng trabaho, at pagpapabuti ng kaligtasan sa lugar ng paggawa para sa mga nasa impormal na sektor, kabilang ang mga nasa industriya ng pangingisda.
Dahil dito, pinag-usapan din ang pag-oorganisa ng isang high-level forum para sa taong 2027 upang markahan ang ika-20 anibersaryo ng Cebu Declaration at ika-10 anibersaryo ng ASEAN Consensus
Kinilala ng ASEAN Secretariat ang pagsisikap ng Pilipinas sa pagtataguyod ng karapatan ng mga migranteng manggagawa. — Poliana Canuday, Contributor