Manila, Philippines – Bineberipika na ng mga otoridad ng Pilipinas ang napabalitang nasa bansang Vietnam na ang gaming tycoon na si Atong Ang.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa counterpart agencies nito sa Vietnam para matukoy ang pagiging lehitimo ng natanggap na impormasyon.
Pakay ng DILG na makakuha ng kopya ng immigration records ng Vietnam nang sa gayon ay ma-trace ang umano’y pagpasok ni Ang sa naturang bansa.
Gayunman, inaasahan ng kalihim ng DILG na magkakaroon ng magandang resulta ang pakikipag-ugnayan ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. sa counterpart nito.
Binigyang diin ni Remulla na sakaling matiyak ng pamahalaan na nasa vietman ang wanted na si Ang, mayroong extradition treaty ang Pilipinas sa Vietman na maaaring gamitin para mapauwi ito.
Wanted si Atong Ang na mayroong 20 million na pabuya sa makapagtuturo ng kinaroroonan nito.
Nag-ugat ang arrest warrant laban kay Ang at sa iba pang sangkot matapos siyang ma-ugnay sa kidnapping at pagkamatay ng mga nawawalang sabungero.—Krizza Lopez, Eurotv News