DAAN-DAANG BAGONG MIYEMBRO NG ‘CHRIST IS THE HEALER’, NA-BAUTISMO SA DAVAO CITY

Davao City, Philippines — Daan-daang bagong miyembro ng religious group na Christ the Healer International Missions Movement (CHIMM) ang nagtipon sa isang baybayin sa Davao City para sa isinagawang mass baptism bilang bahagi ng kanilang spiritual journey.

Suot ang kani-kanilang puting t-shirt, kapansin-pansin ang mahabang hanay ng mga bagong mananampalataya ng religious group ngayong Sabado, ika-Abril 11 ng 2026.

Sila ay tahimik na nakapila at magkakahawak-kamay sa gitna ng sikat ng araw.

Habang nakalusong ang mga ito sa mababaw na tubig, ramdam ang kanilang pananabik at pananampalataya.

Ayon kay Bishop Rob Cubos, founder ng CHIMM, ang aktibidad ay bahagi ng tinatawag nilang “pre-encounter phase.”

Isang yugto umano ito na nagsisilbing turning point sa kanilang buhay kung saan inihahanda sila sa mas malalim na pakikipagtagpo sa Diyos.

Nang matapos ang nasabing bautismo, malugod na tinanggap ng mga bagong kasapi ang panibagong yugto, at masayang nagtampisaw.

Samantala, bukod sa pagiging founder ng religious group, pinangungunahan din ni Bishop Rob Cubos ang Love Philippines Movement (LPM) na tumutulong sa mga komunidad lalo na sa Davao City.

Kamakailan lamang, nagsagawa ang LPM ng mental health awareness campaign at feeding program sa lungsod.

Share this