NBI: PADILLA, ITINUTURONG ‘PERSON OF INTEREST’ SA PAGHAHANAP SA LOKASYON NI SEN. BATO

Manila, Philippines — Itinuturing ngayon ng National Bureau of Investigation bilang Person of Interest si Senator Robin Padilla na siya umanong huling kasama ni Senator Bato Dela Rosa bago umalis sa senado. 

Paliwanag ni NBI Dir. Melvin Matibag, si  Padilla ang unang dapat tanungin kaugnay sa kinaroronan ni Dela Rosa dahil siya ang unang huling kasama niya nang linasin ang senate. 

Napabalitang umalis na si Dela Rosa sa gusali ng Senate bandang 2:30 am nang madaling araw noong huwebes . 

Sinuportahan din ito ng pahayag mula kay senate President Allan peter Cayetano, na ayon umano sa report ng 

Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA), umalis si Dela Rosa kasama si Padilla. 

Samantala, naniniwala si Filipinos Do Not Yield Movement Chairman Jose Antonio Goitia na hindi aksidente ang nangyaring tensyon at putukan sa Senado.

Ayon kay Goitia, matagal nang umiinit ang sitwasyon sa senado dahil sa patuloy na pagkanlong ng liderato kay Senator Dela Rosa para maiwasan ang arrest warrant ng ICC.

“Nagsimula ito noong ginawang kanlungan ang Senado para sa mga gustong umiwas sa pananagutan sa halip na panatilihin itong institusyong gumagalang sa batas.”

Para kay Goitia, maling isisi agad sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangyaring kaguluhan.

Nanindigan siyang nag-ugat ang krisis sa mismong bagong liderato ng Senado at ang pagpayag nitong magamit bilang proteksyon ni Bato. 

Binigyang-diin din ni Goitia na nakababahala umano ang mabilis na pagsisi ng ilang grupo sa Malacañang kahit hindi pa ganap na malinaw ang buong insidente.

Ayon pa sa kanya, kalmado, transparent, at nakatuon sa pag-alam ng katotohanan ang naging tugon ng Pangulo matapos ang nangyaring tensyon.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Department of Justice para sa susunod na hakbang kaugnay sa sitwasyon ni Dela Rosa. 

Share this