Naging emosyonal si Senator Pia Cayetano nang alalahanin niya ang nangyaring putukan sa loob ng senado sa pagitan ng senate sgt at arms at ng National Bureua of Investigation.
Nag-ugat ito ng sabihin ni Senator Risa Hontiveros sa kanyang privilege speech na tila ‘walang nangyaring putukan’ sa loob ng institusyon sa kinikilos ng mga ito.
Ayon sa Senator Risa Hontiveros, sa unang beses na nangyari ang putukan sa senado, sa personal umano niyang obserbasyon tila ipinapakita ng mga senador na tila walang nangyari.
Pahayag pa ni Hontiveros, kung ito na ba ang epekto ng matinding politika sa Pilipinas, na tuluyan na umanong nalihis ang pamantayan.
Giit ni Cayetano, huwag sanang kwestyunin ng mga senador na wala sa tagpo ng barilan ang kanilang naranasan.
Ani senadora, nirerespesto nya ang kwento ng kapwa niya mga senador, gayundin hiling niya na sanay respetuhin nito ang kwento ng mga senador at empleyado na naranasan ang tensyon sa loob ng institusyon.
Samantala, iginiit ni Senate President Allan Peter Cayetano na mayroong mas mahalagang problema sa bansa na dapat pagtuunan ng atensyon at mga batas na dapat pag-usapan.
Klinaro naman ni Hontiveros ang kanyang tinuran.
Sa lunes, bibigyan ng pagkakataon ang ilang mga senador na sumagot sa naging privilege speech ni Senator Risa Hontiveros.—Krizza Lopez, Eurotv News