Manila, Philippines — Inilunsad ng Philippine Postal Corporation ang “special doorstep delivery service” para maihatid ang world-famous Guimaras mangoes diretso sa mga consumer sa Metro Manila at Metro Cebu.
Ayon sa PHLPost, tiniyak nila ang maayos at episyenteng paghawak sa mga padalang mangga upang mapanatili ang kalidad at kasariwaan ng mga produkto habang nasa biyahe. Inaasahan namang aabot sa tatlo hanggang pitong araw ang turnaround time ng delivery service.
Kasabay ng pagdiriwang ng Manggahan Festival ngayong buwan ng Mayo ang paglulunsad ng nasabing serbisyo.
Layunin din ng proyekto na mas mapalakas ang lokal na agrikultura at mabigyan ng direktang market support ang mga mango farmer sa isla ng Guimaras.