GATCHALIAN BLOC, I-DODONATE ANG ISANG BUWAN SAHOD SA MGA TINAMAAN 7.8 MAGNITUDE NA LINDOL SA MINDANAO — HONTIVEROS 

Manila, Philippines — Nagpahayag ng pakikiramay ang miyembro ng bagong majority bloc  sa senado sa nangyaring malakas na pagyanig sa Mindanao. 

Sa isang pahayag, sinabi ni Senator Risa Hontiveros na nakikiisa ang bagong mayorya ng senador sa mga komunidad na tinamaan ng lindol at maging sa mga search and rescue team. 

Dahil dito, ibinahagi ng Senadora na handa ang new majority na i-donate ang kanilang isang buwan na sahod para makapagbigay ng tulong sa mga biktima. 

“As a personal contribution to the relief effort, members of the Senate New Majority are prepared to donate one month of our salary to help support affected communities,” ani Hontiveros.

Hinikayat din nila ang minority bloc sa pamumuno ni Senator Alan Peter Cayetano na makiisa sa kanilang inisyatibo sa magbigay ng tulong sa mga Pilipino

Aniya, ito raw ang panahon na dapat magpakita ng sama-samang pagmamalasakit ang mga senador, sa kabila ng nangyayaring gulo sa pagitan ng mga senador. 

“This is a moment when the Senate, whatever its internal divisions, can still speak through one act of shared compassion,” aniya.

Ilalaan ng mga senador ang kaniyang kontribusyon sa pangunahing pangangailangan ng mga biktima, kagaya ng pagkain, malinis na tubig, gamot, pansamantalang matutuluyan, at iba pang uri ng tulong. 

Kasabay ng anunsyo ng majority bloc, nananawagan din ito sa publiko na patuloy na ipagdasal ang Mindanao sa kasalukuyan nitong sitwasyon. 

Batay sa datos ng Office of Civil Defense, as of 6:00 am, tinatayang nasa 17,689 na pamilya, katumbas ng 77,186 na katao ang apektado ng lindol. 

5,343 na pamilya o 19,365 ang pansamantalang sumilong sa mga evacuation center.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this