Palawan, Philippines — Tinawag na pure evil ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ginawang pagbangga ng China Coast Guard (CCG) sa isang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel na nagsasagawa ng fuel subsidy sa mga mangingisdang Pinoy sa Palawan ngayong araw september 18.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea RA Jay Tarriela, nagmaniobra ang barko ng China na may bow number -21585 sa likurang bahagi ng BFAR ng halos sampung metro lang pasado alas-11 ng umaga kanina.
Sa parehong oras rin inulit nito ang ginawnag delikadong pagmamaneobra at nabangga ang BRP Datu Magat Salamat ng BFAR.
Nagpadala na raw si PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ng air assets sa lugar para i-monitor ang sitwasyon at matiyak ang seguridad ng mga crew ng barko.
Napinsala ang kanang side starboard ng barko, at nayupi ang mga railings nito habang nagkalat ang mga debri. Wala pang binanggit ang PCG kung may mga naiulat na nasaktan sa ginawa
ng china.
Sa kabila nito matagumpay namang nakapaghatid ng tulong ang PCG sa mga mangingisdang pinoy kung saan nakatanggap ng gasoline supply at food packs ang nasa tatlumpung limang mangingisda sa Bajo De Masinloc nitong huwebes september 17.
Sa isinagawang Maritime Domain Awareness (MDA) flight ng PCG sa BDM namonitor ng barko ng BFAR na M/V Mamalakaya na nagsasagawa fuel distribution ang (3) China Coast Guard (CCG) vessels, (1) People’s Liberation Army Navy warship,at (3) Chinese Maritime Militia vessels (CMMVs).
Nailigtas rin ng PCG ang BRP Datu Magat Salamat matapos itong sumadsad malapit sa Hasa-Hasa Shoal nitong Huwebes, Sept. 17.
Sumadsad ang barko habang tinatangkang lumapit sa mga bangka ng mangingisda upang maghatid ng fuel subsidy.
Nailigtas ang BFAR vessel bandang 3:34 PM.
Kinalaunan naging matagumpay rin ang paghahatid ng fuel subsidy sa mga mangingisda.