Kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema na ideklara bilang labag sa konstitusyon ang higit na paglobo ng unprogrammed appropriation sa 2024, 2025 General Appropriation Act, at ilang bahagi ng 2026 GAA.
Iginiit naman ni Vice President Sara Duterte na dapat papanagutin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpirma ng mga pambansang pondo na taliwas sa National Expenditure Program (NEP).
Ayon sa Bise Presidente, kailangan sagutin ng pangulo kung bakit niya nilagdaan ang mga pondo na higit na sa mas mataas sa mga inirekomenda niyang pondo sa ilalim ng NEP.
Binigyan diin niya na hindi dapat gawing kasangkapan ng administrasyon ang pera ng mga Pilipino para sa pamumulita at personal na interes ng mga opisyal ng gobyerno.
Patunay raw ang desisyon ng korte suprema sa kanyang babala noong 2024 na hindi na ginagawa ng bicameral conference committee ang trabaho nito na suriin at magtalakay ng mga pondo.
Bagkus ay nagiging sunod-sunuran na raw ang mga miyembro nito sa kagustuhan ng malacanang sa pambansang pondo.
Dagdag niya, ito raw ang panahon na dapat nang managot ni Pangulong Marcos at miyembro ng kongreso na naglapastangan sa sa pera ng taumbayan.
Samantala, ngayong Huwebes, humarap si Office of the solicitor General Darlene Marie Berberabe sa press briefing.
Ayon kay Socilitor General Berberabe, natanggap at ginagalang nila ang naunang desisyon ng korte suprema na hindi likas na labag sa konstitusyon ang unprogrammed appropriation bilang isang mekanismo ng pagbabudget sa pondo.
Ngunit hihilingin daw ng OSG sa korte ang pagrepaso sa ilang bahagi ng desisyon nito kaugnay sa mga limitasyon at guardrails sa paggamit nang tama sa pondo.
Dahil nasa mandato ng ehekutibo ang pagpapatupad ng mga budget, maaari raw maapektuhan ang pagpapatupad ng mga programa.
Ayon kay Berberabe, ito raw ang nais linawin ng pangulo sapagkat parehong sangkot ang ehekutibo at lehislatura sa kaso nito sa korte suprema.
Isa na riyan ang desisyon ng korte na hindi pa maaaring i-release ng Malacanang isang special provision sa 2026 GAA.
Hindi pa naman daw pinal ang desisyon ng korte dahil maaari pa silang mag motion for reconsideration.
Payo ng Socgen na huwag munang gamitin ang pondong nakalaan para sa dalawang special provisong sa ilalim ng 2026 GAA, bagkus ay hintayin muna ang pinal na desisyon ng SC.
Kaugnay pa rin sa desisyon ng korte suprema, hindi naman iniuutos ng korte suprema na ibalik ang mga nagamit na pondo sa unprogrammed fund ng 2024 at 2025.
Binigyang diin ni Berberabe na may mga programa nang naipatupad gamit ang mga pondo.
Kung ibabase raw sa naging desisyon ng korte suprema, nagbigay lamang ito ng paalala at pamantayan kung paanong dapat gamitin ang isang pondo nang naaayon sa konstitusyon.
Hanggang Nov. 4 ang deadline ng Office of the Solicitor General sa paghahain ng Motion of the Reconsideration sa korte Suprema para sa kanilang hiling na paglilinaw at pagrerepaso sa ilang desisyon ng korte.