P89B BUDGET TINITIGNAN NG HOUSE PANEL PARA SA UNIVERSAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZEN

MANILA PHILIPPINES – Tinitingnan ng House appropriations panel ang P89-bilyong alokasyon para sa panukalang batas na nagkakaloob ng universal social pensions para sa mga senior citizen, o mga nasa edad 60 pataas.

Ayon kay Laguna Lawmaker Loreto Amante, vice chairperson ng House Committee on Senior Citizens, ang mga senior citizen na dati nang tumatanggap ng social pension sa ilalim ng umiiral na batas ay tatanggap ng P1,000 buwan-buwan, pagkatapos maaprubahan ang budget provision ng unnumbered substitute bill bago ang House appropriations panel.

Ang mga bagong tatanggap o ang mga tumatanggap na ng buwanang pensiyon mula sa state-run insurance entities tulad ng Government Service Insurance System at Social Security System gayundin ang mga military pension, sa kabilang banda, ay unang makakatanggap ng P500 buwanang social pension pansamantala.

Makakakuha naman ng kanilang eligibility para sa benepisyo, ang mga senior citizen kung ito ay magpre-presinta ng kanilang valid ID na inisyu ng state-run Office of the Senior Citizens Affairs.

“We are looking at using bank transfer or e-wallet for this program for speedy release, but for the remote areas, this may not be applicable to the DSWD would have to go to them ” Ani Amante, kung saan tinukoy nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, ang unnumbered substitute bill na nagbibigay ng universal social pension ay inaprubahan ng House Committee on Senior Citizens noong Nobyembre 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this