MANILA, PHILIPPINES – Sa inilabas na pahayag ng Deped lubos silang nakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng nasawing Grade 10 student sa Maasin Iloilo nito lang May 10, 2024.
Bagamat hindi na idinetalye pa ng Kagawaran ang sanhi ng pagpanaw ng bata, agad naman na isasailalim sa Child Protection Committee, psychosocial intervention ng eskwelahan ang mga malalapit sa naturang estudyante kabilang na ang guro nito.
Sinabi ng Deped na habang inaantay pa ang inisyal na imbestigasyon sa pagkasawi ng mag aaral, nanawagan sila sa publiko na wag mag pakalat ng mga maling impormasyon bilang pagbibigay respeto sa pamilya ng bata.
https://www.facebook.com/photo?fbid=854798090021999&set=a.226791122822702
Sa hiwalay din na pahayag ng Kagawaran, ikinalungkot nila ang pagkasawi din ng 10 taong gulang na estudyante matapos bawian ng buhay ng isang 44 na taong gulang na lalaki na hinihinala ring ginahasa nito habang papunta ito sa paaralan.
DEPED, NAGPAALALA SA PUBLIKO HINGGIL SA PAGPAPAKALAT NG MALING IMPORMASYON
Agad namang nahuli ng mga awtoridad ang suspek ngunit agad din itong nasawi matapos makipag agawan ng baril sa mga pulis habang kinukuhaan ng fingerprints.
Sabi ng DepEd ang mga ganitong karahasan ay walang puwang sa lipunan kaya’t dapat umanong paigtingin pa ng mga awtoridad ang mga hakbang na kanilang ginagawa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga kabataang mag-aaral.
https://www.facebook.com/photo/?fbid=853963706772104&set=a.226791122822702