PAG-AMYENDA SA RICE TARRIFFICATION LAW, SINIMULAN NA SA KAMARA

MANILA, PHILIPPINES – Sinimulan na ng House of Representative ang deliberasyon ng House Bill 10381 na layong amyendahan ang Rice Tariffication Law sa pangunguna ni Quezon 1st district Representative Wilfrido Mark Enverga na Chairperson din ng House Committee on Agriculture and Food.

Sa ilalim ng naturang pag-amyenda maibabalik sa NFA ang pag kontrol sa presyo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa na matatandaang natanggal sakanila ng maipatupad noong February 2019 ang RTL.

Ayon kay Congressman Enverga isa sa mga ‘key provision’ ng panukalang pag-amyenda sa RTL ang pagpapababa ng presyo ng bigas upang maibsan ang pasaning dinadala ng mga konsyumer sa taas presyo.

Pagbibigay pahintulot sa NFA na ispeksyunin ang lahat ng warehouse kung saan nakaimbak ang mga bigas upang masiguro ang kalidad ng mga ito.

Bigyan ng mandato ang NFA na tiyaking sapat ang buffer stock na kukunin sa mga local farmers o anumang grupo ng mga magsasaka, asosasyon o kooperatiba at marami pang iba.

“It has always been a desire of the President to lower rice prices and to make rice more affordable to everyone especially to our kababayan’s who needed the most.” Congressman Wilfrido Mark Enverga sa kanyang privelage speech sa kamara

Sakop din ng pag-amyenda sa RTL ang pag papalawig pa sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa pamamagitan ng 6 na taong extension, na mag papalawak sa nasasaklaw nitong mga hakbangin.

“We cannot deny the fact that the law has accorded million of rice farmers the much needed assistance, However the law is always challenge when it comes to rice supply and rice prices, the proposed ammendments been carefully look into so as not to affect the progress we have attained in the rice industry.”dagdag pa ng kongresista

Umaasa rin si Enverga na agad maipapasa sa mababang kapulungan ang naturang pag amyenda upang mapababa ang rice prices sa bansa na mailalapit sa sambayanag Pilipino lalo na sa mga mahihirap.

Samantala isa sa mga kongresista na nagpakita ng suporta sa ginagawang hakbang ngayon ng Kamara na si Deputy Majority Leader at TGP Partylist Representative Jose Bong Teves Jr.

Kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan na madagdagan ang tulong na maipaabot sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalwaig ng RCEF.

Sa ilalim kase ng RTL nililimitahan nito ang gobyerno ng Pilipinas na mangielam sa presyo ng bigas sa merkado at patatagin ang supply nito kaya naman nagreresulta ito ng mas mataas na mga presyo ng palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this